What's on TV

Rayver Cruz, may panghihinayang sa kaniyang role sa 'Asawa Ko, Karibal Ko'

By Bianca Geli
Published October 9, 2018 9:50 AM PHT
Updated October 9, 2018 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Rayver Cruz, excited na sa unang teleseryeng gagawin niya simula nang magbalik sa Kapuso Network, “Sobrang kakaibang love story.”

Puno ng suwerte ang pagbabalik-Kapuso ni Rayver Cruz dahil agad siyang nabigyan ng dalawang programa sa GMA Network.

Isa si Rayver sa lead actors ng bagong GMA Afternoon Prime series na Asawa Ko, Karibal Ko. Magiging bahagi rin siya ng weekly musical variety show na Studio 7.

Sa naganap na media conference ng Asawa Ko, Karibal Ko kagabi, October 8, sinabi ni Rayver, “[I feel] super blessed gusto ko po magpasalamat sa GMA-7 para rito sa show na ito.

“Super humbled ako right now and na-excite po ako nung nalaman ko na ganito 'yung project.

“Sobrang kakaibang love story. First time ko rin pong gagawa ng ganitong klaseng palabas kasi pinaghirapan po naming lahat ito.”

Returning Kapuso Rayver Cruz is Gavin in 'Asawa Ko, Karibal Ko'. #AsawaKoKaribalKoMediacon ✨

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on


Ngunit mayroon daw siyang panghihinayang sa kaniyang gagampanangrole sa upcoming GMA Afternoon Prime na Asawa Ko, Magkaribal Ko, kung saan makakatambal niya sina Kris Bernal at Thea Tolentino.

Biro ni Rayver, “Ang pinanghihinayangan ko lang po is wala kaming sweet scenes ni Jason. Kay Thea na po ako na-pares. Naiingit ako sa kanila ni Matthias [Roads], e.”

Iklinaro rin ni Rayver na wala siyang panghihinayang sa mga naging desisyon niya sa career at sigurado siyang nasa tamang panahon ang kaniyang paglipat sa GMA-7.

“Thankful ako sa lahat ng nangyari sa career ko, right now nandito na po ako sa GMA-7.”

Dagdag niya, “Thankful din ako kasi tutok sa amin yung director naming, si Direk Mark [Reyes]. Gina-guide niya kami all the way.”

“Sobrang saya ko po, sobrang blessed dahil sa Asawa Ko, Karibal Ko at sa isa pa pong bagong show, 'yung Studio 7, so sobrang blessed and happy, I feel fulfilled.”