GMA Logo rayver cruz in bida sa arena
Image Source: bidasaarena (Instagram)
What's Hot

Rayver Cruz, naghahanda na para sa 'Bida sa Arena' celebrity basketball showdown

By Jansen Ramos
Published April 17, 2026 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Phoenix dominates Blackwater to halt two-game slide
Dagan na uban ang Sparkle Artists sa Sparkle Run 2026| One Mindanao
Marian Rivera's French designer bag is simply elegant

Article Inside Page


Showbiz News

rayver cruz in bida sa arena


Tampok si Rayver Cruz at iba pang Sparkle stars sa celebrity basketball match na Bida sa Arena kung saan makakalaban nila ang koponan mula Th3rd Floor, na kinabibilangan ng ilang Kapamilya artists.

Todo training na si Rayver Cruz para sa celebrity basketball match na Bida sa Arena, na gaganapin sa May 3 sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa Bida Sa Arena, makakasama ng Ultimate Heartthrob ang iba pang Sparkle artists na sina David Licauco, Will Ashley, Josh Ford, Dustin Yu, Mavy Legaspi, Paul Salas, Anthony Constantino, EA Guzman, Andre Paras, Kimson Tan, Prince Carlos, at Mateo Monzones.

Makakalaban nila sa court ang koponan mula sa Th3rd Floor, na kinabibilangan ng ilang Kapamilya stars gaya nina Gerald Anderson, Vhong Navarro, Richard Gutierrez, Jameson Blake, at Emilio Daez.

Sa ulat ng 24 Oras noong Huwebes, April 16, sinabi ni Rayver na time ito para makita ng madla ang kanilang skills sa sports.

Aniya, "Nakakatuwa kasi yung mga leading man natin sa Kapuso network, 'di lang sila basta leading man. Talagang mga athletic and mga basketball players talaga sila so dito, ibang side naman yung mapapakita nila."

Full support naman ang girlfriend ni Rayver na si Julie Anne San Jose, na number one cheerleader niya sa araw na iyon.

Ika ng Asia's Limitless Star, "Of course, I will be there. I will be there to support and cheer for him. I'm gonna be the happiest one. Sabi ko kay Ray, asahan mo ando'n ako. Ako po magpupunas ng pawis niya."

Panoorin ang buong report sa video sa ibaba.

RELATED FEATURE: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz are a sweet couple in California