
Hindi napigilan ng Sanggang-Dikit FR stars na sina Tito Abdul at Tito Marsy ang matuwa at kiligin kay Rayver Cruz.
Sa Tiktok, ibinahagi ni Tito Abdul ang video kasama si Rayver habang nasa set ng programa.
Makikita sa video na tila nagbi-video sina Tito Abdul at Tito Marsy nang biglang sumama si Rayver. Napasigaw naman ang dalawa sa kilig nang kunwari'y halikan ni Rayver sa bandang leeg si Tito Abdul.
"Abdul & Marsy - 1, Julie Anne San Jose - 0," isinulat ni Tito Abdul sa caption.
Sa comments section, nag-react si Julie Anne at sinabi niya, "Kinilig akoooo HAHAHAH."
Nag-reply naman si Rayver sa comment ni Julie Anne at sinabi, "Love ohhhh niloloko nila ako hahaha."
@daviddomanais Abdul & @TitoMarsyyy - 1 @Julie Anne San Jose - 0 🤪🤪🤪 @Rayver cruz 😘😘😘 #fyp #foryou #foryoupage #fyppppppppppppppppppppppp ♬ original sound - Tito Abdul
Noong October 14, ipinakilala na ang karakter ni Rayver na si Jared Lopez sa Sanggang-Dikit FR. Bukod kay Rayver, isa rin si Ashley Ortega sa mga bagong cast ng show.
Ipinapalabas ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m., pagkatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.
Samantala, tingnan dito ang nakakakilig na pogi photos ni Rayver Cruz: