
Game na game na nakisayaw si King of the Dance Floor Rayver Cruz matapos ang Krump performance nina Rocco Nacino at Alamat Jao sa Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, napasayaw si Rayver ng Krump dahil sa panunukso sa kanya ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na mag-sample ng kanyang husay sa nasabing dance genre.
Hindi naman nagdalawang-isip pa si Rayver at agad siyang nagpakawala ng ilang Krump moves, habang napahiyaw ang Dance Universe sa angas ng King of the Dance Floor.
Maliban sa pag-sample niya ng Krump, pinuri rin ni Rayver ang performance nina Rocco at Jao.
“Pero gusto ko lang sabihin na Rocco, simula nung nanalo ka last week, hindi ka nagpapabaya kasi may pressure na sa 'yo ngayon e, kasi kailangan tuloy-tuloy mo na 'yan e. Congrats, brother, kasi nakikita ko 'yung consistency,” pagbati niya kay Rocco.
Dagdag pa niya, “Tapos si Jao from fierce to maangas, parang wala ka namang hindi kayang gawin for me.”
Napahanga rin ang dance authorities na sina Marian at Dance Trend Master Coach Coach Jay dahil maayos na naipamalas ng dalawa ang kanilang Krump performance.
Patuloy na abangan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: LOOK: Rayver Cruz's 'pogi' photos that will make you 'kilig'