
Sa exclusive interview ng 24 Oras, sinagot ng nagbabalik Kapuso star na si Rayver Cruz kung ang kapatid ba niyang si Rodjun Cruz at ang close friend na si Janine Gutierrez ang naging dahilan ng kanyang paglipat sa GMA.
Paliwanag ni Rayver, "Nagkataon lang din. Pero before ko pa ma-meet si Janine, maging ka-close, kakilala, nandun naman na yung option na lumipat ako.
Bukod kina Rodjun at Janine, excited na rin si Rayver na makatrabaho ang mga bigating Kapuso stars tulad nina Marian Rivera, Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.
Panoorin ang exclusive report ni Nelson Canlas sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News