What's Hot

Rayver Cruz on DJ Loonyo: 'Trip ko 'yung galawan niya, swabe lang'

By Dianara Alegre
Published April 28, 2020 12:31 PM PHT
Updated May 1, 2020 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz reacts to DJ Loonyo


Ayon kay Rayver Cruz, matagal na niyang kakilala si DJ Loonyo at hanga siya sa pagsasayaw nito.

Kahit naka-enhanced community quarantine ay tuloy sa pagbibigay-saya at aliw ang artists at performers ng Sunday noontime show na All Out Sundays.

At bilang pandagdag ng kilig sa fans, kabilang din sa online party ang newest internet sensation at dancer na si DJ Loonyo.

Isa sa mga pinaka inabangang segment ay ang “Dati” Challenge kung saan nagpakitang-gilas sa pagsasayaw sina Mavy Legaspi, Miguel Tanfelix, Rayver Cruz at DJ Loonyo.

Look for the star🏆 @covemanila

Isang post na ibinahagi ni Rhemuel Lunio (@djloonyo) noong

Meet DJ Loonyo, the newest internet sensation

Ayon kay Rayver, nanibago raw siya sa naturang performance dahil matagal-tagal na rin mula nang huli siyang nagsayaw.

“Medyo nakakapanibago. Mararamdaman mo rin na parang medyo rusty kasi matagal-tagal ka nang hindi nakakasayaw pero happy ako na naging part ako ng dance challenge,” aniya.

“Actually, ni-shoot naming 'yon before ang araw ng 'All Out Sundays.' Nakakatuwa lang kasi makukuha mo naman agad 'yung sayaw,” dagdag pa niya.

Anong plano mo sa linggo? May masaya at astig na bagong tambayan sa GMA tuwing tanghali!! ang #AllOutSundays! G na! #alloutsaya

Isang post na ibinahagi ni rayvercruz (@rayvercruz) noong

Samantala, maraming fans ni DJ Loonyo ang nag-abang sa kanilang pagtatanghal. Marami rin ang bumilib at nagpaabot ng kanilang paghanga sa dancer.

Ibinahagi rin ni Rayver na matagal na niyang kakilala si DJ Loonyo.

“Si DJ Loonyo, matagal na kaming nagsasayaw sa Studio 7. Nagko-choreograph ng mga dances para sa 'min. Trip ko talaga 'yung galawan niya. 'Yung swabe lang,” sabi pa ni Rayver.

Si DJ Loonyo ay Pinoy dancer at choreographer na nakabase sa China. Nakilala at sumikat siya nang husto dahil sa kanyang TikTok videos.

WATCH: DJ Loonyo's viral dance videos with at least 1M views

Para sa karagdagang impormasyon, panoorin ang buong 24 Oras report: