GMA Logo Rayver Cruz
Celebrity Life

Rayver Cruz pays a visit to his mom's grave on Mother's Day

By Jimboy Napoles
Published May 14, 2023 6:46 PM PHT
Updated May 15, 2023 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO orders SUV driver to explain viral reckless driving along NAIAX
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


Nag-celebrate ng Mother's Day ang aktor na si Rayver Cruz sa puntod mismo ng kaniyang ina.

Binisita ng Kapuso actor-host na si Rayver Cruz ang puntod ng kaniyang namayapang ina na si Elizabeth Velez Cruz bilang pag-alala sa selebrasyon ng Mother's Day.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rayver ang larawan ng kaniyang naging pagdalaw sa ina. Makikita rin sa nasabing post sa ang video ng kaniyang paglalagay ng bulaklak sa puntod ng ina.

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

“Happy Mother's Day mama. I miss you so much I love you!” sulat ni Rayver sa caption ng kaniyang post.

Nag-iwan din ng pagbati sa naturang post ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz, at ang kaniyang girlfriend at Kapuso actress-singer na si Julie Anne San Jose.

“Happy Mother's Day tita Beth,” ani Julie.

February 2, 2019 nang pumanaw ang ina nina Rayver at Rodjun, isang buwan matapos itong ma-diagnose ng stage 4 pancreatic cancer.

BALIKAN ANG NAGING PAGDIRIWANG NG CELEBRITIES NGAYONG MOTHER'S DAY SA GALLERY NA ITO: