
Pinatunayan ni Rayver Cruz na siya ang number one fan ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose dahil buong puso niya itong sinusuportahan sa lahat ng ginagawa niya.
Sa katunayan, proud boyfriend si Rayver sa magiging calendar girl ni Julie na siyang nasa 2025 calendar ng Ginebra.
"Congratulations my love!!! So proud of you!! Mismo!! I love you!" sulat ni Rayver sa Instagram stories nang ibinahagi niya ang larawan ni Julie Anne.
Sa katunayan, nagpapirma pa si Rayver kay Julie Anne ng kanyang kalendaryo at proud na ibinahagi ito sa kanyang Instagram.
Kasalukuyang napapanood si Rayver bilang si Jordan sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko, samantalang mapapanood si Julie Anne bilang isa sa coaches ng The Voice Kids.
Sina Rayver at Julie Anne rin ang Clash Masters ng The Clash 2024.
RELATED GALLERY: Julie Anne San Jose is a sexy Ginebra Calendar Girl 2025