
Maha-hot seat si Rayver Cruz sa kanyang pagbisita sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, August 23.
Walang preno sina Boobay at Tekla sa pagtanong ng controversial questions kay Rayver bilang special guest sa TBATS.
Samantala, mapapaurong naman sa takot ang biktima ng veteran actress na si Marissa Delgado sa 'Pranking in Tandem' segment.
Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, August 23, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!