
Isang malaking blessing ang natanggap ni Kapuso hunk Rayver Cruz bago matapos ang taong 2020.
Nakabili na kasi siya ng bagong bahay at mukhang dito na rin siya magdiriwang ng Pasko.
Base sa ilang litratong ibinahagi ni Rayver sa kanyang Instagram account, moderno ang look ng bahay na may dalawang palapag at garahe.
Neutral colors tulad ng white, black at brown ang makikita sa loob at labas ng bahay.
Mukhang move in ready na rin ito kahit wala pang masyadong mga gamit.
Ipinasilip na rin niya ang bahay niya sa mga kapatid na sina Rodjun at Omar, pati na sa uncle niyang si Jeff.
Ayon sa actor-dancer, iniaalay daw niya sa kanyang yumaong ina ang bagong bahay.
Matatandaang yumao ang ina ni Rayver na si mommy Beth noong February 2, 2019 dahil sa stage four pancreatic cancer.
"Tis the season to be jolly this is for you mama I miss you so much"
Proud naman sa bagong naipundar ni Rayver and kanyang nakakatandang kapatid at kapwa Kapuso star na si Rodjun.
Idinaan ni Rodjun ang pagbati sa kapatid sa kanyang Instagram account.
"Sobrang saya ko para sayo bro @rayvercruz! Proud na proud kaming lahat sa iyo at sigurado ako na mas lalo sila Mama at Papa in Heaven," sulat niya.
Nauna namang pumanaw ang kanyang amang si Rodolfo mahigit isang dekada na ang nakalipas dahil sa kidney failure.
Ipinagdarasal din daw ni Rodjun na mas marami pang dumating na blessings sa buhay ng masipag niyang kapatid.
"Deserve mo lahat ng blessings na dumadating sa Buhay mo at alam kong Tuloy Tuloy at mas madaming blessings pa ang darating sa iyo, Dahil bukod sa Napakasipag mo ay napakabuti mong tao. I Love you King.🏻!" pagpapatuloy ng aktor.
Nagsama kamakailan ang magkapatid sa first-ever virtual concert sa Pilipinas na Alden's Reality ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Bukod kay Rodjun, ilang celebrity friends din ni Rayver ang nagpa-abot ng pagbati sa kanya at sa kanyang bagong bahay.
Ilan dito sina Julie Anne San Jose, Rocco Nacino, Shaira Diaz, Kakai Bautista, Marco Alcaraz, Allan K, Mavy Legaspi, sister-in-law niyang si Dianne Medina, Kapuso showbiz reported Nelson Canlas at marami pang iba.
Samantala, silipin ang iba pang celebrities na nakagpagawa ng bahay ngayong quarantine dito: