GMA Logo Rayver Cruz and Julie Anne San Jose
Photo source: myjaps (IG)
What's on TV

Rayver Cruz, todo ang suporta sa bagong serye ni Julie Anne San Jose

By Karen Juliane Crucillo
Published March 4, 2025 4:58 PM PHT
Updated March 12, 2025 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man attending fiesta in MisOr stabbed dead
NCAA: Arellano, Letran reignite rivalry in Group B as Season 101 men’s volleyball kicks off
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz and Julie Anne San Jose


Nagbigay suporta si Rayver Cruz sa bagong project ng kaniyang girlfriend na si Julie Anne San Jose.

Sa lahat ng fans ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, mukhang si Rayver Cruz ang number one supporter nito.

Naitanong kay Rayver sa isang exclusive interview kung ano pa ang wish niya kay Julie Anne. Ngunit, piniling ipagmalaki ni Rayver ang bagong project ni Julie Anne, kung saan makakasama nito ang iba pang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Ysabel Ortega.

"Sa totoo lang, mas nakaka-proud for her kasi tuloy-tuloy 'yung pag-soar niya. Maraming endorsements, may bago siyang teleseryeng maganda, which is yung SLAY. Syempre nakaabang na ako." sabi ni Rayver.

Dagdag ng aktor, "Matagal na rin kasi akong may Viu app kasi may ginawa siyang isang show sa Viu. Mayroon na ako noong application kaya nakaabang na ako."

Ikinuwento ni Rayver na sobrang proud siya sa mga achievements nilang dalawa dahil umaapaw ang kanilang mga blessings.

Sa dulo ng kaniyang interview, nagpasalamat si Rayver sa GMA at Sparkle sa walang sawang pagsuporta at pagtitiwala sa mga ibinibigay na projects sa kanila.

Ipinalabas ang bagong murder mystery series na SLAY sa Viu Original simula Lunes, March 3. Mapapanood din ito sa GMA Prime soon.

RELATED GALLERY: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz's cutest looks