GMA Logo Kyla Alvarez and Rich Alvarez
Celebrity Life

R&B singer Kyla recalls meeting husband Rich Alvarez for the first time

By Jimboy Napoles
Published September 7, 2022 9:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Hussein Loraña, Naomi Marjorie Cesar rule athletics' 800m events at 2025 SEA Games
Baste Duterte slams opening of unfinished road project
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kyla Alvarez and Rich Alvarez


"Who would've thought I'd marry this man years later?" - Kyla

Pinakilig ng OPM at R&B singer na si Kyla Alvarez ang maraming netizen sa isang throwback photo na kanyang ibinahagi sa Instagram ngayong Martes, September 6.

Ang larawan kasi na ito ay ang first picture nila ng kanyang asawa at basketball player na si Rich Alvarez nang una silang magkita sa concert ni Regine Velasquez noong 2004.

Sa kanyang caption, kinikilig na ikinuwento ng singer ang buong pangyayari sa kanilang first meeting.

Kuwento niya, "Finally found this! Our picture from 2004 when I first met Rich in Araneta for ate Regine's concert - where I was a guest. Dito 'yung pinakanta ako ni ate ng 'Somewhere over the Rainbow.' Buwis buhay mumsh. Kaloka. Haha!"

A post shared by KYLA (@kylaalvarez)

Pagkatapos kumanta ni Kyla, agad na nagtungo noon si Rich sa backstage ng Araneta para magpa-autograph sa kanya.

Aniya, "Anyway, after the concert, pinuntahan niya ako sa backstage, asked me to sign 3 of my albums and then a picture e, ang cute. Kilig ako dyan. 'Di ko lang pinahalata, siyempre dalagang Pilipina. LOL."

Ayon pa sa singer, hindi niya akalain na magiging asawa niya ang lalaking nagpa-picture at nagpa-autograph sa kanya noon dahil hindi niya rin naisip na may magkakagusto sa kanya.

"Who would've thought I'd marry this man years later. Kala ko nga dati, walang magkakagusto sakin. Hahaha! La lang share ko lang," ani Kyla.

Sa comment section ng kanyang post, sinegundahan din ng kanyang mga kaibigan na sina Jolina Magdangal at Karylle ang kanyang kuwento.

"I remember this moment, mare, a love for always," ani Karylle.

"Ay!! Naalala ko nung kumain tayo nina Karylle sa Tomas Morato tapos kinuwento mo yan!!!! Kiliiiiig!," ani naman ni Jolina.

"Debahhhhhhhh!!!! Somewhere over the araneta...may rich alvarez & kyla," dagdag pa ni Kyla.

Nito lamang November 2021 nang ipagdiwang nina Kyla at Rich ang kanilang 10th wedding anniversary.

SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG PINAKASENTING THROWBACK PHOTOS NG MGA SIKAT SA GALLERY NA ITO: