
Itinanghal si Rea Gen Villareal bilang grand champion ng ikapitong taon ng “Tawag ng Tanghalan.”
Si Rea Gen ay ang ikapitong grand winner ng naturang singing competition ng It's Showtime matapos makalaban ang apat na iba pang grand finalists ng huling tapatan.
Nakakuha siya ng final score na 97.4 at naiuwi niya ang grand prize.
Si Eunice Encarnada ang tinanghal na second runner up habang si Vensor Domasig ang third runner up.
Kabilang sa grand finalists ng “Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan” sina Aboodi Yandog at Jhon Padua.
Sa episode na ito, ang limang grand finalists ay nabigyan ng pagkakataon na makipag-collaborate sa mga sikat na OPM band at inawit nila ang ilang hit tracks ng kanilang assigned band sa pamamagitan ng medley.
Naglaban naman ang Top 3 na sina Rea Gen, Eunice, at Vensor sa huling round, kung saan sila ay nagkaroon ng solo performances.
Samantala ayon sa programa, kinailangan ng immediate medical attention ni Joy Escalante dahil sa kanyang maselang kalagayan kung kaya't hindi siya nakapagtanghal sa “Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan.”
Dahil dito, kumunsulta ang It's Showtime management sa hurados at napagdesisyunan na ipalit sa puwesto ni Joy ang Hurado's Choice na si Vensor Domasig.