
Sa kanyang Instagram account, binati ni Jerald ang kaibigan na si Nar Cabico sa pagkakapanalo sa Superstar Duets Season 1.
Itinanghal na Superstar Duets Grand Winner si Nar Cabico kahapon, December 17. Nakatunggali niya sa finals ng GMA singing competition show ang kapwa theater actor na si Jerald Napoles na nag-uwi ng first runner-up award.
Sa kanyang Instagram account, binati ni Jerald ang kaibigan. "Raaaaaahh!! Superstar Duets Season 1 Grand Winner @narcab! It's an honor to be your 1st runner-up," pahayag ng komedyante.
Bukod pa rito, naalala ni Jerald ang mga panahong nag-uumpisa pa lamang sila ni Nar sa industriya. Aniya, "10 years ago, naghahati lang tayo sa kanta para lang makapag-perform sa entablado, reliever pa. Haha kaya ngayon deserve mo yan! Afford na natin mag tapsilog!"
Nagpasalamat din si Jerald sa ibinigay na tiwala sa kanila ng Kapuso network. Saad niya, "I also wanna thank @gmanetwork for giving opportunities to theater actors like us. Maraming salamat po sa pagsugal."
MORE ON JERALD NAPOLES:
EXCLUSIVE: Jerald Napoles, tila nagkaroon ng premonisyon sa mananalo sa 'Superstar Duets'
WATCH: Jerald Napoles, nagsimula ng prank war laban kay Alden Richards