
Matapos pagpiyestahan sa social media ang naging away nila ng best friend at dating nali-link sa kaniya na si Kakai Bautista, naging laman uli si Ahron Villena ng mga showbiz website at gossip blogsite matapos ma-ipost ng aktor ang kaniyang nude photo sa Instagram stories.
READ: Ahron Villena to Kakai Bautista: "There was never an us"
Kaagad na nabura ni Ahron ang naturang larawan, pero hindi nito napigilan ang pagkalat ng kaniyang nude photo online.
Nitong Sabado, July 29 binasag na ng hunky actor ang kaniyang katahimikan at humingi ng paumanhin sa lahat.
Mababasa sa Facebook ang kaniyang pahayag sa naturang insidente.