
Ibinunyag ng Sunday PinaSaya host na si Aiai delas Alas ang diumano'y pagnanakaw ng dating caregiver ng kaniyang ina.
Ayon Instagram post ni Aiai kahapon, April 2, ninakawan ng naturang caregiver ang kaniyang ina ng mga alahas at pera.
“MAG INGAT KAYO SA MAGNANAKAW NA BABAENG TO,” sabi ni Aiai sa kaniyang post.
“Naging caregiver ito ng nanay ko and nagnakaw sa nanay ko ng alahas at pera ngayun.. and inimbistagahan ngayun ng pulis may kaso na din pala sya dati na nag nakaw sa kapitbahay namin at lumipat ng ibang agency.”
Sa huling bahagi ng kaniyang post, humingi ng tulong si Aiai sa kung sino man ang makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng nasabing caretaker.
Aiai Delas Alas reveals pregnancy plans
Aiai delas Alas reacts to Metro Manila water crisis
EXCLUSIVE: Tekla, masaya sa suportang ibinibigay ni Aiai delas Alas sa kanyang pelikula