What's Hot

READ: Aiai Delas Alas, nag-react sa isyung 'di imbitado si Kris Aquino sa kanyang kasal

By Al Kendrick Noguera
Published September 26, 2017 6:49 PM PHT
Updated September 26, 2017 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News



"This is the most important part of my life. 'Wag n'yo na po sanang haluaan ng negative." - Aiai

Inaabangan ng publiko ang opisyal at kumpletong listahan ng mga imbitado sa kasal ni Philippine Queen of Comedy na si Aiai Delas Alas sa kanyang nobyong si Gerald Sibayan na gaganapin sa Pilipinas ngayong darating na Disyembre.

Pero bago pa man malaman ang mga pangalan ng mga dadalo sa kasal, isa sa mga isyung ibinabato kay Aiai ay ang 'di umano'y di niya pag-imbita kay Kris Aquino.

Nagbigay si Aiai ng kanyang statement sa PEP tungkol sa isyu gayon din ang kanyang anak na si Sophia Delas Alas. Nag-react din ang anak ng komedyante sa article na ito ng entertainment site. "All the comments about me here are funny HAHAHA. Oo puwede ako magtaray in english or tagalog kasi pakialamera kayo ng buhay eh. Kayo ikakasal? Eh di invite n'yo si Kris Aquino sa kasal niyo. Wag din ako mga, Bes. I'm shookt," saad ni Sophia.

 

Good morning .. eto ang post ng aking anak sa facebook nya .. first of all ,thank you anak sa pag tatanggol saken .. as always parate naman .. i love you baby girl .. @sophdelasalas This is the most important part of my life wag nyo na po sanang haluaan ng negative ... hindi ko sasagutin to anything about her kasi kahit maganda isagot ko wala din naman kayong maganda i co comment #basher and #haters .....A MEANINGFUL SILENCE IS ALWAYS BETTER THAN A MEANINGLESS WORDS" GOD BLESS EVERYONE ????????????

A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on


Nagpasalamat naman si Aiai sa kanyang anak dahil sa ipinakita niyang suporta para sa ina. Aniya, "First of all, thank you anak sa pagtatanggol sa 'kin as always, parati naman. I love you, baby girl."

Sa nasabing post, nakiusap din si Aiai sa publiko na huwag nang batuhan ng isyu ang kanyang kasal. "This is the most important part of my life. 'Wag n'yo na po sanang haluaan ng negative. Hindi ko sasagutin anything about her kasi kahit maganda isagot ko wala rin naman kayong maganda i-ko-comment. A MEANINGFUL SILENCE IS ALWAYS BETTER THAN MEANINGLESS WORDS. GOD BLESS EVERYONE," pagtatapos niya.