
Naiyak si Kapuso comedianne Aiai Delas Alas sa mensahe ng kaniyang asawa na si Gerald Sibayan ngayong Valentine's Day.
"Thank you so much sa lahat ng binigay mo sakin bebe ko and support sa lahat. And sa pagiging mabuting asawa mo sakin," komento ni Gerald sa post ni Aiai.
"Kahit pagod ka pinagluluto mo ako darl and inaalagaan mo ako lagi pag umuuwi ako tapos mo ako pag silbihan lahat ng gusto ko.
"I love you so much bebe ko pag uwi ko babawi ako and idadate kita sa Organic Restaurant."
Mangiyak-ngiyak naman si Aiai at nagpasalamat sa kaniyang asawa.
"Naiyak ako sa post mo buset,” sabi ng Sunday Pinasaya star.
“Labyu darl alam kong magaling akong nanay pero d ako sure kung magaling akong asawa .. ngayun medyo alam ko na.."
Magkahiwalay na nagdiwang ng Valentine's Day sina Aiai at Gerald kaya naman sa Instagram na lang sinabi ni Aiai ang kanyang message.
"Sa aking asawa salamat sa pa flowers mo mr sibayan .. na surprise ako medyo sad ako malayo ka darl pero sa friday makikita na kita," sulat ni Aiai.