
Isang mensahe tungkol sa self-love ang ibinahagi ni Aiai Delas Alas matapos matawag na hindi kagandahan ng isang babae.
Ikinuwento ni Aiai ang isang insidenteng parehong nagpatawa at kinainisan niya. Papunta raw siya sa taping, at nang inakalang nakasakay na siya ng elevator, narinig niya ang isang babae na magkomento sa kanyang itsura.
Ibinahagi ng Philippine Queen of Comedy ang naging palitan:
“Ateng hindi maganda: Hindi pala maganda si Aiai ‘no, ordinaryo lang
Guard: Ano ? (hindi nya maintindihan sinasabi ni ate)
Aiai (bumalik sa pinto at kumain ng patola): Ate hindi ko naman sinabing maganda ako ahhh. Ang aga-aga ang impakta mo. Ikaw ba maganda???”
Dahil dito, ipinakalat niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang mensaheng “Be your own kind of beautiful.”