GMA Logo Aiai Delas Alas renews contract with GMA
What's Hot

READ: Aiai Delas Alas quashes rumors about Sunday PinaSaya: "Tuloy ang saya!"

By Nherz Almo
Published October 29, 2019 4:15 PM PHT
Updated December 23, 2019 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas renews contract with GMA


Ayon kay Aiai Delas Alas, wala pang anumang balita ang nakarating sa kanila tungkol sa Sunday PinaSaya, “Basta ituloy lang natin ang saya!”

Hindi naiwasan ni Aiai Delas Alas ang mga tanong ng entertainment reporters tungkol sa programang kinabibilangan niya ngayon, ang Sunday PinaSaya.

Aiai Delas Alas
Aiai Delas Alas

Naging usap-usapan kasi kamakailan ang blind item ni Jojo Gabinete sa PEP.ph na “Dalawang weekly shows ng major TV network, titigbakin na.”

Ayon dito, “Hindi na ire-renew ng network management ang kontrata ng blocktime deal nila sa independent television producer, kahit mataas ang ratings ng programa na mahigit apat na taon nang napapanood.”

Ilan sa mga programang nabanggit sa social media comments ang Sunday variety show ng GMA Network, ang Sunday PinaSaya.

Agad naman itong sinagot ni Aiai, “Ay, sabi ng isa sa mga executive namin, ang isagot ko ay, 'Tuloy ang saya.'”

Dagdag pa niya, “Hindi natin alam kung ano ang ibig sabihin niya, basta ituloy lang natin ang saya!”

Kung sakali raw, ikalulungkot ito ni Comedy Queen Aiai.

“Malulungkot ako kasi maglilimang taon na rin kami next year.

“Malulungkot ako, siyempre, life must go on. Lahat naman ng show na nagsasara, mag-o-open ng doors,” aniya.

Ngunit muli niyang idiniin na wala pang anumang balita na nakakarating sa kanya at sa mga kasamahan niya sa Sunday PinaSaya.

Naniniwala rin siya na nananatiling malakas ang kanilang programa.

Hirit pa niya, “Yung commercial nga naming isang oras, e. Isa't kalahati kami, di ba? Yung isang oras dun, commercial yun.”

Nang pilit pang kinulit ng reporters tungkol sa isyu, tumanggi nang magsalita si Aiai.

Aniya, “Ayaw ko namang magsalita baka sabihin atribida ako, nega ako. Huwag naman ganun.

“Siyempre, doon lang tayo sa positive vibes kasi puro positive ang nangyayari sa akin ngayon.”

Muling pumirma ng three-year network contract si Comedy Queen Aiai sa GMA Network kaninang umaga, October 29.

Aiai Delas Alas renews contract with GMA