What's Hot

READ: Aiai Delas Alas reveals details about December 2017 wedding; talks about prenup agreement with Gerald Sibayan

By Aedrianne Acar
Published September 20, 2017 4:37 PM PHT
Updated September 20, 2017 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang buong detalye sa kasalang Aiai at Gerald sa darating na Disyembre.

Ilang buwan na lang at magaganap na ang dream wedding ni Aiai Delas Alas sa kaniyang longtime boyfriend na si Gerald Sibayan.

Sa panayam sa kaniya ng press sa Romulo Café sa Tomas Morato, Quezon City ngayong Miyerkules (September 20), ni-reveal ng award-winning comedienne kung bakit napili niya ang December 12 bilang wedding date.

Paliwanag niya, “Hindi the Feast of Our Lady of Guadalupe, ‘yung isa December 8, dapat 'yun. Kasi dapat ikakasal kami ng 2018 eh ininterview kami ni Bishop Tobias so sabi niya huwag nang patagalin, kasal na lang this year.”

Hindi raw bababa sa 300 guests ang dadalo sa wedding ceremony nila ni Gerald at kuwento pa nito na sa Europe ang magiging honeymoon nila.

Ani Aiai, “Gift ni APT sa amin ni Mr. Tuviera. Pinili ko Europe.”

Naikuwento rin ng Sunday PinaSaya star na ang "kambal" niya na si Marian Rivera ang sasagot sa kaniyang bonggang wedding dress.

May special request ba ang Comedy Queen sa ireregalo na ito ng kaniyang matalik na kaibigan?

“Eh kasi tinanong niya eh. Sabi ko, 'Sige kung ano lang ‘yung gusto mo iregalo sa akin.' Sabi niya, 'Sige ‘yung gown na lang sa akin. Sabi ko huwag masyadong mahal ha nakakahiya.

“Sabi niya, 'Magkano ba' ganiyan-ganiyan, mga milyon ba? Huwag naman! Ayoko naman ng ganun nahihiya ako 'pag ganun.”

Binigyan diin ni Aiai Delas Alas na gusto niya simple at comfortable siya sa isusuot niya sa December 12.

“Gusto ko maganda lang na bagay sa akin. 'Yung comfortable pero siyempre ‘yung mga gown naman nila mga alam mo naman ‘yun. ‘Yung gown niya (Marian Rivera), ‘yung gown ni doktora (Vicki Belo). Hindi ko naman kaya 'yun. And kung kaya niya pero ayoko ng ganun nahihiya ako 'pag masyadong mahal ‘yung regalo.”

Prenup agreement with Gerald Sibayan

Diretsahan ding sinagot ni Aiai nang inusisa ng entertainment press kung may prenuptial agreement sila ni Gerald.

Pinatotoohanan ito ng Kapuso comedienne, ngunit naging matipid siya sa naging detalye ng kanilang prenup.

“Mayroon kami kaya lang confidential hindi pinag-uusapan dapat. Ayaw nung lawyer, so mayroon pero hanggang dun lang puwede sabihin kasi sabi nung lawyers confidential.”

Dagdag niya, “Usually naman ‘yung nanay ko ang parating may gusto and ‘yung family din ni Gerald… 'Yung sa ganiyan para ano na lang din 'yan para na lang din sa kapayapaan ni Gerald para wala na siyang basher and intriga. Pero sa mag-asawa naman ke normal ke artista wala naman ‘yun eh, pera lang ‘yun.”

Pero bago ang bonggang wedding niya, magbabalik pelikula uli si Aiai via Bes and Beshies kung saan makakasama niya sina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin at Beauty Gonzales.

Ano-ano naman ang dapat i-expect ng mga Kapuso at loyal fans niya sa comedy film na ito na ipapalabas sa October 18?

“Kuwento ito tungkol sa aming buhay pag-ibig. Kaya makikita n'yo po 'yan and iba’t ibang klaseng istorya ng mga babae at kanilang pag-ibig. More of mag-e-enjoy sila, kasi it’s a comedy film, kumbaga very slight drama pero hindi mo mapapansin. More of mapapansin mo ‘yung nakakatawa siya.”