
Pinasalamatan ni Traffic Diva Aicelle Santos ang mga nanood at sumabaybay sa kanyang farewell concert na “Awit na Aicelle” na umere sa SNBO (Sunday Night Box Office) kagabi, April 8.
Mula sa kabilang panig ng mundo, naghatid ng pasasalamat ang award-winning Filipino singer, “Thank you for watching. I hope you all enjoyed ‘Awit na Aicelle.’ Panginoon, maraming salamat po sa biyaya ng iyong musika.”
Ang kanyang fiancé na si GMA reporter Mark Zambrano ay muling binalikan ang mga alaala sa successful concert ng actress-singer.
#AiMarked: Kapuso & Kapamilya stars react to Aicelle Santos's engagement to Mark Zambrano
Ang Pinay pride ay kasalukuyang naghahanda para sa kanyang karakter na si Gigi Van Tranh sa Miss Saigon UK Tour sa Manchester, United Kingdom.
FIRST LOOK: Aicelle Santos prepares for Miss Saigon's UK tour