
Itinuturing ni Alden Richards na “dream come true” ang makatrabaho ang ang tanyag na direktor na si Cathy Garcia-Molina.
Si Direk Cathy ang magiging director ng pelikulang pagsasamahan nina Alden at Kathryn Bernardo, na inanunsiyo nitong Martes, March 12.
Pahayag ng Kapuso leading man, "Masaya at very thankful [ako] sa GMA na makapagtrabaho beyond our walls.
“It's a new journey for me as an actor, as an individual and pangarap ko talaga 'to, to have a project with Star Cinema kasi ang dami kong napanood na project ni Direk Cathy.
“Sabi ko, 'Sana isang araw, makabitaw rin ako ng linya na tatatak sa mga audience.”
LOOK: What went on at the story conference of Alden Richards and Kathryn Bernardo's upcoming film
Samantala, pinuri rin ni Direk Cathy sina Alden at Kathryn.
Tiwala rin ang direktor sa talento ng dalawa na kaya nilang bigyan ng hustisya ang kuwento ng kanilang proyekto.
Aniya, "It's a very good story and sayang naman kung hindi mapapanood ng mga tao.
“It's a very good story, lagyan mo ng very good tandem because ang eksakto kasi.
“It's about strangers meeting in Hong Kong and who could play it better than them kasi strangers. Nag-swak.
“Isang magandang kuwento, may magaling kang artista to play those characters, sana mapanood ng marami, sana makita nila 'yung dalawa bilang artista at hindi bilang part of a love team."
Ayon naman sa GMA Executive na si Gigi Lara, talagang maganda raw ang kuwentong matutunghayan sa pelikula kaya nila pinayagan si Alden na bumida rito.
WATCH: Alden Richards excited to do a movie with Kathryn Bernardo
READ: Alden Richards ask fans to support upcoming movie with Kathryn Bernardo