
Imbes na isipin at patulan ni Pambansang Bae Alden Richards ang mga tao na pilit na sinisiraan siya sa social media, mas pinipili ng Kapuso actor ang maging magpakumbaba.
Alden Richards on his showbiz controversies: "Hindi ko na po ramdam"
Sa kanyang Tweet nito lamang November 8, mayroong makahulugan na post ang aktor.
Be grateful, be good and always pray for the people who have wronged you. ?????
— Alden Richards (@aldenrichards02) Nobyembre 8, 2017
Sa panayam niya last August, sinabi ni Alden na hindi na niya pinapansin ang ano mang kontrobersya o paninira na ibinabato sa kanya dahil alam ng mga malalapit na tao na nakapaligid sa kanya ang katotohanan.
Paliwanag niya, “Hindi ko na rin po [papansinin] ‘yun, kasi alam naman po ng mga tao sa paligid ko kung ano ‘yung totoo and kumbaga, minsan may mga issues na napapabayaan na gawa-gawa lang and then later on, pinapaniwalaan siya ng publiko. So it’s really based on the people’s discernment na lang kung saan sila maniniwala.”