
Ibinahagi ni Alfred Vargas sa Instagram ang kanyang farewell message para sa kanyang mga nakatrabaho sa hit teleseryeng Kambal, Karibal.
Ngayong gabi, August 3, nakatakdang magtapos ang serye kaya't pinasalamatan niya ang staff, crew, pati na rin ang kanyang co-stars dahil sa kanilang pinagsamahan.
Kalakip ng kanyang mensahe, ipinost niya ang kanilang larawan na kuha mula sa kanilang last taping day kahapon, August 2.
Bungad niya sa caption, "As I finish shooting my last scene for Kambal, Karibal, I would just like to say thank you to God, the Father almighty, for this opportunity. All glory and honor is Yours now and forever."
"Thank you to all the cast, crew, creative team, direk dmp, the whole prod team and GMA Network. You, guys, have been like a true family. Mahal na mahal ko kayo. Will never forget our #happyset mindset ️and will surely miss everyone," patuloy niya.
Pinasalamatan din ni Alfred ang mga tagahanga ng serye dahil sa walang sawang pagsuporta nila rito sa loob ng halos siyam na buwan.
"Thanks also to everyone who supported KK! Dahil po sa inyo kaya kami na-i-inspire gumawa ng mga proyektong makabuluhan tulad ng Kambal, Karibal. Sana napatawa, napaiyak at napadama namin sa inyo ang halaga ng pamilya at ng pagmamahalan. Till next project, maraming salamat po," sulat niya.