What's Hot

READ: Ang tunay na buhay ni Blakdyak

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 10, 2020 11:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics survive poor regulation finish to beat Nets in double OT
The Long Game: Anthony and Donny Pangilinan on Fatherhood, Fame, and the Value of Time
NCAA S101 women's volleyball officially begins

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kabila ng pagiging masayahin at hilig sa pagpapatawa ni Blakdyak sa kanyang mga pinasikat na novelty songs at pagganap sa ilang palabas at pelikula, balot pala ng problema ang kanyang kabataan.


Muling ikinuwento sa 24 Oras ang naging panayam ni Blakdyak, o Joey Formaran sa totoong buhay, tungkol sa kanyang nakaraan. 

Sa kabila ng pagiging masayahin at hilig sa pagpapatawa ni Blakdyak sa kanyang mga pinasikat na novelty songs at pagganap sa ilang palabas at pelikula, balot pala ng problema ang kanyang kabataan.

Aniya sa dating panayam ng Tunay na Buhay, “Hindi ko nasilayan ‘yung mga tunay kong mga magulang. ‘Yung pagmamahal ko sa mga tunay kong magulang, ibinuhos ko na doon sa mga nagpalaki sa akin kasi kung hindi dahil sa kanila, wala naman talaga ako.”

Sa San Marcelino, Zambales lumaki si Blakdyak kasama ang kanyang kinagisnang pamilya.

“Talagang ibig sabihin, maliit palang siya, nasa amin na. Mahal na mahal ng tatay ko ‘yan,” sambit ng kanyang kinagisnang kapatid na si Joel Soriano.

“[Kahit] artista na siya, hindi lumaki ‘yung ulo niya. Ganun at ganun pa rin siya kaya ang mga kaibigan niya pag nagpupunta siya rito, talagang parang piyesta rito sa amin,” wika ng isa pa niyang nakagisnang kapatid na si Virginia Peralta.

Nang nawalan ng kinang ang kanyang showbiz career ay nalulong daw si Blakdyak sa ipinagbabawal na gamot, ngunit nakabangon din siya mula rito sa tulong ng kanyang asawang si Twinkle Formaran. 

Pahayag ng kanyang misis sa panayam ng Tunay na Buhay, “I love him, and nobody will stand for him. Wala siyang family, at saka napakabait niya. ‘Wag lang talaga balikan ‘yung problema.”

Sa ulat naman ng 24 Oras, ibinahagi ni Twinkle ang kanyang alaala sa kanyang yumaong mister. 

Aniya, “Napaka-sweet ni Joey. Ayaw nun na nag-iisip ako. Ayaw nun na umiiyak ako. Ayaw nun na namomroblema ako. Wala [kaming] problema."


MORE ON BLAKDYAK:

WATCH: Blakdyak, natagpuang patay sa kanyang condo unit

WATCH: Blakdyak, nagsaklob na ng plastic sa ulo bago pa man mamatay

READ: Celebrities, nalungkot sa pagkawala ni Blakdyak