
Kilig to highest level ang sweet posts ng dalawa para sa isa't isa.
Ipinagdiriwang ng Eat Bulaga power couple na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang kanilang 8th monthsary ngayong Miyerkules.
Sino ba ang makakalimot sa unang kilig moments ng dalawa noong July 16, 2015. Sa katunayan, may mahigit sa 5.3 million views na sa YouTube ang video na “Yaya Dub, kinilig kay Alden Richards,” kung saan nagsimula ang lahat.
May sweet message naman ang AlDub sa isa’t-isa na kanilang ibinahagi sa Twitter.
Ayon sa Tweet ni Maine, isinalarawan niya ang mga moments na kasama ang Pambansang Bae sa lyrics ng isang kanta.
Anong ligaya sa tuwing ika'y mamasdan.. sa piling mo ang gabi'y tila araw???? ahhhh Bobby-Angelu ?? #lss
— Maine Mendoza (@mainedcm) March 16, 2016
Ayon naman sa Kapuso hunk na hindi niya inaasahan na magiging ganito katagal at katibay ang samahan nila ni Maine.
Happy 8th monthsary! I never knew it would get this far. I'm happy. ???? #ALDUB8thMonthsary
— Alden Richards (@aldenrichards02) March 16, 2016
Happy monthsary Maine, Alden at sa buong AlDub Nation!
MORE ON ALDUB:
AlDub wraps up shooting for 'Eat Bulaga's' Lenten special
Yaya Dub's family react to her big win in the Kids' Choice Award
WATCH: Alden Richards and Maine Mendoza's new TV commercials