What's Hot

READ: Ano ang reaksyon ni Oyo Sotto nang tanungin ng press kung tinatawag ba niya si Pauleen Luna na Mommy?

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



"...We're very comfortable with each other nandun ‘yung respect namin na asawa siya ng tatay.” - Oyo Sotto


Puno ng papuri ang anak ni Bossing Vic Sotto na si Oyo Sotto sa misis ng kaniyang ama na si Pauleen Luna.

 

A photo posted by Oyo Sotto (@osotto) on

 

Kahapon natanong si Oyo sa panel interview ng press conference ng pinakabago niyang Kapuso sitcom na “Hay, Bahay!” na malapit ng mapanood sa darating na Linggo ng gabi, June 19.

Ayon sa aktor, nakakatuwang makita na napakasaya ng kaniyang daddy at nakakataba daw ng puso ang ginagawang pag-aalaga ni Pauleen dito.

Aniya, “Ngayon lang uli nag-asawa si Daddy after the longest time talaga never naman nag-asawa si Daddy, so he’s been single for almost buong buhay namin. So, ngayon lang namin siya nakita na may-asawa”

“Siguro ‘yung malaking pagbabago is I see that he’s very happy, he’s very content. Kumbaga tama, wala na siyang hihilingin pa para sa kaniya, kumbaga 'yun na nga. Nandiyan kami para sa kaniya, ‘yung mga apo niya. Lalong-lalo na si Pauleen [Luna] I see that she’s really taking care of dad and nandun ‘yung effort eh nakakatuwa.”

Diretsahan din tinanong ng entertainment press si Oyo kung napag-usapan ba nilang pamilya kung ano ang itatawag nila kay Pauleen Luna sa oras na maikasal siya sa kanilang ama.

Sagot ni Oyo na hindi na daw kailangan dahil baka magkaroon ng ilangan sa kanila. Mas importante daw ay nandun ang kanilang respeto kay Pauleen bilang asawa ng kanilang magulang.

“Hindi naman, understood naman niya siguro, baka magkakailangan, and alam naman ni Pauleen ‘yun kumbaga we're very comfortable with each other nandun ‘yung respect namin na asawa siya ng tatay.”

MORE ON HAY, BAHAY!

READ: Why did Kristine Hermosa choose to do 'Hay, Bahay!' over return to ABS-CBN

Vic Sotto proud sa loveteam nila ni Aiai delas Alas 

EXCLUSIVE: Behind-the-scenes in Hay, Bahay!'s pictorial & plug shoot