
Isang happy reunion ang naganap sa pagitan ng Wowowin star na si Willie Revillame at dati niyang co-host na si Rufa Mae Quinto.
IN PHOTOS: 26 former co-hosts ni Willie Revillame, nasaan na ngayon?
Sa Instagram post ni Rufa Mae last Sunday, June 11 ikinuwento nito ang pagkikita nila ni Kuya Will kung saan kinamusta siya sa buhay niya bilang bagong mommy kay baby Alexandria.
Ayon sa award-winning comedienne, “Na miss kita .. yes I wil!!! Sarap ng baby walang ka proble-problema.. Sabi Nya happy ka na? Sabi ko yesssss!”
Sinabihan din siya ng magaling na game show hosts na magbalik na sa comedy.
“Super laugh trip syempre pag Kami nag usap... mag comedy ka na ulit! Sabi Nya ! go go go !Sabi ko... secret na yung Ibang chika ”
Matatandaan na mainstay si Rufa Mae Quinto sa gag show na ‘Bubble Gang ‘at naging co-hosts naman siya ni Willie sa 'Wil Time Bigtime' at 'Wowowillie' sa Kapatid network.