
Certified good vibes ang Instagram post ng Kapuso leading man na si Jason Abalos nang umattend siya at si Christopher Roxas sa isang event ng The Distinguished Gentleman's Ride.
Makikita sa post ni Jason na may pabiro niyang sinabi na gusto pa nila ni Christopher ng isa pang motorcycle.
Saad niya, “Wag nyo ma tanungin kung san kami nakatingin at baka magalit si @iamgladysreyes at si @vimrushton hahaha sasabihin “ano kulang pa ba? Kulang pa ba ang isa? Kulang pa ba ang isang motor? Ilan ba ang katawan mo??”
Silipin ang funny reaction nina Gladys Reyes at Vickie Rushton sa naturang post ni Jason.
Ikinasal sina Gladys at Christopher taong 2004 at ipinagdiwang nila ang kanilang 25th wedding anniversary nitong Enero.
Samantala, girlfriend naman ni Jason ang beauty queen na si Vickie Rushton na itinanghal na first runner-up sa Binibining Pilipinas 2018 beauty pageant.