What's Hot

READ: Ano raw ang dapat gawin ni Lolit Solis para mabigyan ng allowance ayon kay Kris Aquino?

By Aedrianne Acar
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated August 11, 2017 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang buong kuwento.

Nakatutok ang buong bansa sa lumalalang away sa pagitan ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista at ng kaniyang estranged wife na si Patricia Bautista.

READ: Comelec chair Andres Bautista ukol sa asawa: May iba na siyang minamahal

Nitong Linggo lang, isiniwalat ni Patricia sa isang pahayagan na diumano’y mayroon hindi bababa sa PHP 1 bilyon ill-gotten wealth ang kaniyang asawa. Ito ay ayon sa affidavit na isinumite ni Mrs. Bautista sa National Bureau of Investigation noong August 1, 2017.

Hindi naiwasan na mag-react sa Instagram ng dating host ng Startalk na si Lolit Solis sa isyu na ito na laman ngayon ng mga balita.

 

Kalokah ha, talbog ang telenovela at primetime drama sa Bautista story na naglalabasan. Real story, real drama ang mga nagaganap. Totoo pala iyong kasabihan na hell hath no fury like a woman scorned. Bongga Mama Patricia Bautista, talagang durog na durog si Papa Andy Bautista at kasali pa si Mama Baby Cruz pati ang favorite chef ko na si Gaita Fores. Bongga ang mga name na kasali, kung pelikula ito ang laki ng casting, mga matataas na tao ng alta sosyedad. Reality check talaga, mataas, mababa pareho rin iskandalo. Eh ngayon pa naman 'di ka lang sa diyaryo makakabasa, sa lahat ng venue ng media kuha mo ang news. Sure ako hindi kasali iyan sa istorya ng Rich Crazy Asians at hindi ito promo ng Hollywood movie ni Kris Aquino, true to life ito. At now alam na ng mababang parte ng lipunan na sa iskandalo pantay-pantay ang tao, parang kamatayan, lahat sa lupa inililibing. Ang kaibahan lang, pag mayaman ang laki ng involved na pera, kalula, Hah hah hah. Kaloka talaga. #70naako #lolitkulit #instatalk

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Pero tila napansin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na mali ang title ng Hollywood movie na pinost ni Lolit na usap-usapang magiging parte ang celebrity TV host.

Heto ang comment ng veteran entertainment writer.

“Sure ako hindi kasali iyan sa istorya ng Rich Crazy Asians at hindi ito promo ng Hollywood movie ni Kris Aquino, true to life ito.”

Nag-react si Kris sa post na ito ni Lolit at biniro nito ang longtime Startalk host.

 

 

#ICYMI: Here's what we know about Kris Aquino's Hollywood movie