
Nakalabas na ng kulungan ang aktor na si Mark Anthony Fernandez noong December 2017 matapos siyang mahulihan ng drugs sa kanyang sasakyan lagpas isang taon na ang nakalipas.
#HomeForChristmas: Mark Anthony Fernandez released from jail
Pero kahit nakalaya na si Mark Anthony, tila hindi pa rin siya nilulubayan ng intriga dahil may bagong tsismis na ibinabato sa kanya. 'Di umano'y nakabuntis daw ang aktor ng dalawang jail officers.
Hindi naman naniniwala ang talent manager at showbiz writer na si Lolit Solis sa balitang ito. Bagkus ay hinikayat niya pa ang kanyang followers na bigyan ng respeto ang mga pulis.
Narito ang kanyang Instagram post.
"Natawa naman ako Salve sa balita na nakabuntis ng dalawang policewoman si Mark Fernandez. Kalokah ha, para bang ang dali naman gawin nun. Para naman degrading para sa mga police ang balitang iyon. Alam nila may asawa at anak si Mark papatulan ng mga policewoman? Hoy, hindi naman siguro ganun kadali mabola ang mga babae noh, para bang kahit guwapo at may pagkabolero si Mark Anthony, 'di naman ganun kabobo ang mga sinasabing nabuntis niya," saad ni Lolit.
Dagdag pa niya, "Alam mo ba Salve na tuwing pupunta akong crame nakikita ko ang daming poging bagong pulis at policewoman na ang gaganda, mga bagong graduate yata ng PNP, mga bata at mukhang kagalang-galang na policeman and policewoman. Wala pang mga malalaking tiyan, matikas at batang bata. Sure ako maraming babae magkakaroon ng crush sa kanila. At iyon mga babae haha mukhang ang gaganda para maging pulis ha . Naku igalang naman natin at mahalin ang ating kapulisan. They deserve our respect and love dahil nariyan sila para bantayan tayo kaya huwag natin sila bastusin at gawan [ng] istorya. Dapat love natin sila."