Celebrity Life

READ: Bakit espesyal ang birthday celebration ni Jenine Desiderio ngayong taon?

By Aedrianne Acar
Published September 25, 2018 2:22 PM PHT
Updated September 25, 2018 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Sa mga posts ni Jenine Desiderio sa social media last weekend, ramdam ang matinding kasiyahan nito na nakasama niya muli ang anak na si Janella Salvador. Alamin ang detalye sa article na ito.

Makabuluhan ang pagdiriwang ng birthday ng former Sinner or Saint actress na si Jenine Desiderio ngayong buwan dahil bumalik na sa poder niya ang kaniyang anak na si Janella Salvador.

Jenine Desidero, hindi pinaniwalaan ni Janella Salvador nang ibulgar na nangungupit ang driver

Sa mga posts ni Jenine sa social media last weekend, ramdam ang matinding kasiyahan nito na nakasama niya muli ang anak na babae.

Saad niya, “A very happy birthday to me! The best birthday gift I received is having my daughter back. Dun pa lang quota na ako.”

Thank you very much to everyone whose presence, efforts & contributions made my day both meaningful & memorable! God bless you all! #family #ohana @pinkyfernandoramos #fernandosbakeshop

A post shared by Jenine Desiderio (@j9desire) on


Bago nito nagkaroon ng problema ang mag-ina, matapos mag-post sa Facebook si Jenine na hindi siya pinaniwalaan ni Janella matapos niya isumbong ang driver ng anak na nahuli niyang nangungupit.

Anak ni Jenine Desiderio si Janella Salvador sa band vocalist na si Juan Miguel Salvador.