What's on TV

READ: Bakit mahirap ligawan si Sanya Lopez?

By Felix Ilaya
Published May 20, 2019 3:51 PM PHT
Updated May 26, 2019 8:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Olivia Rodrigo at Louis Partridge, hiwalay na– report
Fire hits over 20 houses in separate incidents in Cebu City
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Sanya Lopez, hirap siyang malaman kung nanliligaw na ang isang taon sa kanya, “Ayoko naman maging assuming.”

Blooming na blooming ang Kapuso actress na si Sanya Lopez!

Sanya Lopez
Sanya Lopez

walking on sunshine

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez) on

Sa media conference ng bagong show ni Sanya na Dahil Sa Pag-Ibig, tinanong siya ng entertainment reporters kung may nagpapasaya ba sa kanya ngayon.

Aniya, "Sa ngayon, masaya naman ako at nag-e-enjoy pa naman ako sa life ko na walang partner.

"Pero if ever naman dumating, hindi ko naman kino-close 'yung door ko.

"Ayokong madaliin 'yung lahat.

“Sabi ko nga, 'Di ba mas masarap lang na ma-in-love ka dahil dumating lang siya ng hindi mo ine-expect?' So malay mo, 'di ba?"

Dagdag pa ni Sanya na wala rin siyang manliligaw dahil mahirap daw siyang ligawan.

"Iyon kasi mahirap sa'kin, ginagawa kong barkada 'yung mga [manliligaw ko], so nahihiya na sila manligaw.

“Pero mas masaya na ako na ganito.

"Hindi ko kasi [ma-gets kung] nanliligaw ba siya or hindi or nice lang talaga 'yung tao.

“Ayoko naman maging assuming.

"So kung manligaw siya, e, di manligaw siya. Kung hindi, e, di hindi," kwento ng Dahil Sa Pag-Ibig star.

Gaganap si Sanya bilang Mariel Corpuz sa Dahil Sa Pag-Ibig.

Dito, papipiliin si Mariel na isuko ang kanyang dangal upang mailigtas ang buhay ng asawa niyang si Eldon (Benjamin Alves).

Sa tunay na buhay, ano naman kaya ang kayang gawin ni Sanya dahil sa pag-ibig?

"Siguro ibigay ko lang muna sa ngayon lahat ng pagmamahal ko sa kanya at effort hanggang doon sa kaya ko lang.

"Pero 'wag rin natin kalimutan na mahalin natin 'yung sarili natin at kung hanggang saan mo kailangan lumaban," sagot ng aktres.

Abangan si Sanya as Mariel sa Dahil Sa Pag-Ibig ngayong May 20 sa GMA Afternoon Prime, bago mag-Wowowin.