
Sino ang mag-aakalang ang fashionista tulad ni KC Concepcion ay dating “one of the boys”?
Sa Instagram post ng anak ni Sharon Cuneta, taos-puso itong nagpasalamat sa kanyang LGBT friends, kabilang na ang hairstylist na si Ethan David at makeup artist na si Carmi David for bringing out the best in her.
Ani ni KC, masuwerte siya na may mga kaibigan siya tulad nila Ethan at Carmi.
“Sa totoo lang, one of the boys ako growing up eh... kaya ewan ko talaga kung pano nangyari na bigla nalang ako naging girl eh.
“Trans women and gay friends ko pa yata nagturo sakin magpa girl... right @carmidavid914 @ethandavid”
“Just want to say how thankful I am for my #LGBT friends--you bring so much light to my life!!!
“Love you, you know who you are. #tbt”
Nag-react naman si Ethan David sa sweet message ni KC Concepcion para sa kanila sa Instagram.