Basahin ang controversial post ni Cesar Montano at ang reaksyon ng ilang netizens.
Mainit na pinag-usapan sa social media ang larawang ipinost ng action star na si Cesar Montano sa Instagram nitong April 30.
Masaya kasing ibinalita ng veteran actor na nabayaran na niya ang tuition ng kaniyang tatlong anak kay Sunshine Cruz na sina Angelina, Samantha at Francesca.
LOOK: Tres Marias, the daughters of Cesar Montano and Sunshine Cruz
Ayon sa post ng aktor, “YEEY, SCHOOL TUITION OF MY 3 DAUGHTERS ARE PAID FOR THE ENTIRE YEAR 2016. I JUST PAID THEM! ALL GLORY TO GOD! I hate to do this making it public. I dont have to do this but after learning that some people get wrong info, oops got to do it now. Also i think i owe my 3 daughters(Angelina,Samantha, & Francesca) this information and their friends too. And i will do this again next time.”
Hindi naman naiwasang mag-comment ni Cesar sa ilang mga netizens na nag-bash sa kanya dahil sa post.
Matatandaan na naghiwalay sina Cesar at si Sunshine Cruz taong 2013 at nang sumunod na taon nag-file naman ng annulment si Sunshine sa korte.
READ: Is this Sunshine Cruz's reaction to Cesar Montano's "tuition" post?