What's Hot

READ: Bakit nasabi ni Kiray Celis na "struggle" ang pagiging isang komedyante?

By Aedrianne Acar
Published March 21, 2019 3:05 PM PHT
Updated March 21, 2019 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Kiray Celis relates downside of being a comedienne. Read here

Isang exciting project para kay Kapuso actress Kiray Celis ang makasama siya sa big comedy film na Kiko en Lala.

 Kiray Celis
Kiray Celis

Ang Kiko en Lala ang bagong movie offering ng GMA Pictures, na pagbibidahanng Kapuso comedian and TV host na si Super Tekla.

NEW YEAR. NEW CHAPTER. NEW WORKPLACE. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa akin, GMA ARTIST CENTER. Excited po ako sa aking bagong kabanata sa aking buhay. Salamat sa chance na binigay niyo sa akin Para mas lalo ko maipakita sa mga manunuod kung paano ko pa sila mapapasaya at mapapangiti. Kung ano pa yung di nila nakikita at kung ano pa yung kaya kong ipakita. Hangad ko lang ay trabaho at makapag pasaya ng mga tao. Kaya abangan niyo po ako sa mga guestings ko sa DAIG at ang aming upcoming show nila ms jennylyn mercado and Sir gabby concepcion at.. sa sabado po, abangan niyo po ako sa MAYNILA. 9:45am. At DEAR UGE 2:30. ngayong linggo. ❤️

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Super Tekla, naiyak nang malamang bibida sa isang comedy film

Super Tekla, gaganap na kambal sa kaniyang unang pelikula na siya ang bida

Sa isang panayam, nagbigay ng maiksing detalye si Kiray patungkol sa naturang comedy movie, kung saan gaganap siyang kapatid nina Tetay at former Onanay star Jo Berry.

Wika niya, “Umiikot 'yung istorya sa lugar ng perya so malalaman niyo 'yung buhay sa loob ng circus.”

Samantala, ibinahagi rin ni Kiray Celis ang pinakagusto niya sa pagiging isang comedienne.

Aniya, “Kahit malungkot kami, puwede kami makapagbigay ng happiness sa tao na hindi nila malalaman kahit may problema kami o sad kami, pero 'yung kabaligtaran nun puwede namin mabigay sa mga tao.”

Aminado din ang Kapuso star na may kaakibat na pressure ang trabaho niya.

“Struggle kasi akala nila every time na kapag nakikita nila kami, feeling nila ang saya-saya namin palagi.”

Naniniwala din si Kiray Celis na pinakamahirap na role na ginampanan niya sa showbiz ang pagiging isang comedian.

“And for me, sa lahat ng characters na nabigay sa akin, ang pinakamahirap para sa akin ang pagiging komedyante.

“Kasi, madali lang umiyak, madali lang maging malungkot, madali lang magpaawa, pero mahirap magpasaya ng tao.”

Abangan ang unli-tawanan na hatid ng comedy movie ng taon na 'Kiko en Lala' soon!