
Dapat abangan sa pinakabagong Kapuso dramedy na D' Originals ang actor and comedian na si Archie Alemania. Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Archie, nagkuwento ang aktor tungkol sa kaniyang karakter na si Art.
Aniya, "Ako talaga 'yung super babaero na tanggap na 'nung asawa ko 'yung pagiging babaero ko."
Kaiba ang D' Originals sa mga teleserye na tumatalakay sa kuwento ng mga mistresses dahil ibang treatment at atake ang mapapanood sa show. Dagdag pa ni Archie na, "May comedy aspect [sa D' Originals]. Hindi lang basta dramahan, makikita nila 'yung light side ng buhay, matatawa ka sa sitwasyon, 'yun 'yung edge niya sa iba."
Binahagi rin ni Archie na nakakarelate siya noon sa kaniyang karakter ngunit ano kaya ang nakapagbago sa kaniya?
"'Yung Archie Alemania before, I'm a cheater talaga, I admit. Pero ngayon, hindi na kasi why would you do it sa partner mo, bakit mo siya sasaktan ng ganoon kung ayaw mo rin namang gawin niya sa'yo 'yon? Ngayon na Christian na ako, no talaga, kahit premarital sex," pag-amin ng aktor.
Nag-iwan rin ng mensahe si Archie para sa mga taong madalas mangaliwa ng kanilang mga partners, "Message ko lang sa inyo, si God kasi is a just God. He will give you what's due to you. If you cheat, siyempre may kapalit 'yan, you won't get the blessings na dapat para sa'yo. Para sa'kin lang, matakot ka sa Diyos."
MORE ON 'D' ORIGINALS':
Katrina Halili, magpapakita ng funny side sa 'D' Originals'
Elyson de Dios, umani ng papuri mula kay Jaclyn Jose
READ: Jaclyn Jose, naranasan na raw manugod ng kabit?