
Dahil kabi-kabila ang kanilang trabaho, halos wala nang time ang engaged showbiz couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina para sa isa't isa.
Rodjun Cruz proposes to longtime girlfriend Dianne Medina with a beautiful engagement ring
Sa Instagram Story ni Dianne, ibinahagi nito ang labis na saya dahil sa wakas ay nagkaroon sila ng time para makapag-bonding.
Saad niya, “Finally, nagkita na rin kami. Parang LDR sa dami ng work this December hehe everyday work at ngayon lang kami nagkita. So happy!!!!
“Love you so much my fiance. I have one whole day with you yehey! Back to work again tom.”
Matatandaan na nag-propose si Rodjun Cruz kay Dianne Medina noong October 2017 sa araw ng kaniyang 30th birthday sa Boracay.
Ayon sa mga naunang ulat, sa December 2019 ang napiling date nina Rodjun at Dianne para magpakasal.