What's Hot

READ: Baron Geisler, binastos diumano si Ping Medina habang nagte-taping

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 9, 2020 4:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-post ng statement si Ping Medina sa kanyang Facebook account. 


Umaapela ngayon sina Ping Medina at direktor na si Arlyn dela Cruz na huwag kunin si Baron Geisler sa ano mang proyekto. Ito ay matapos diumano ihian ni Baron si Ping habang sinu-shoot ang isang eksena ng isang pelikula.

Isinalaysay ni Ping sa kanyang Facebook post ang naranasan daw niya na pambabastos mula sa kanyang kapwa artista.

Para sa kanilang eksena ay nakabalot sa packaging tape si Ping at papasok ang karakter ni Baron.

Kuwento niya, “Nakagapos na ang mga kamay at paa ko. Nakaikot ang tape sa bibig ko para di makasigaw. Literal na hindi ako makagalaw. Naka-prepare na ako emotionally dahil papatayin na ako dito. Pero bago mag-take, may narinig akong sinabi ka, ‘May gagawin ako sa’yo Ping ah. Sana ‘wag ka magalit.’”

Noong una, akala ni Ping ay duduraan siya ni Baron sa eksena ngunit nagulat na lamang siya na binubuksan na ng aktor ang zipper ng pantalón nito.

Pag-alala ni Ping, “Umagos ito. Basang basa ang shirt ko. Umagos ito hanggang sa bibi ko. Buti may nakatakip na tape. One take lang dapat ang eksena so sinubukan ko mag-stay in character. Pero at the same time nawawala na ako sa character. Umiiwas na ako sa agos ng ihi, pero di ako makagalaw.”

Dahil sa pangyayari ay nagkaroon ng komprontasyon ang dalawang aktor. Ani Ping, sa kanyang pagtitimpi ay sinuntok na lamang niya ang pader, at dahil dito ay nabali ang kanyang kamay. Dahil din sa insidenteng ito ay naglabas ng pahayag ang direktor na si Arlyn at tinanggal na lamang ang karakter na gagampanan sana ni Baron.

Mensahe niya, “What you did on the set for the film 'Bubog' is unacceptable and cannot be justified by any claim of being in character because I repeatedly explained to you and was clearly written on the script where your character is coming from and how I wanted it to be tackled, stressing that the idea is ‘power is felt, not expressed.’ To show true might, in subdued silence and suppressed emotions.”

“Ping Medina does not deserve what you did. No actor deserves that. No person deserves that,” patuloy niya bago sabihing pananagutin nila si Baron sa kanyang ginawa.

Dahil dito, parehong umapela sina Ping at Direk Arlyn na huwag ng tanggapin ng TV networks at filmmakers si Baron sa kanilang mga proyekto.

“To my fellow filmmakers, you may think you need Baron in your movies… but you don’t… you really don’t,” panawagan ng direktor.

Paalala naman ni Ping, “Dapat ang gagawin natin from now on, tanungin muna, number one: ‘Kasama ba si Baron Geisler dito?”

Giit naman ni Baron, isang malaking di pagkakaunawaan ang nangyari.

Pahayag niya, “I asked you three times na, ‘Direk may gagawin po ako,’ then you just said, ‘Gawin mo nalang sa eksena.’ Kung tinanong niyo po ako kung ano ‘yun, di sana naiwasan ang mga bagay na ito. You are our captain sa set. You can check the BTS for proof kung bastos ako towards anyone. Wala po [nangyaring pambabastos]. May proof.”

“So I thought, ‘Ahh… So it’s okay pala to surprise my co-actors sa set. So low po of you to discredit my name. You are better thant that po. Mahal kita,” dugtong ng aktor.

MORE ON BARON GEISLER:

LOOK: Ano ang resulta ng drug test ni Baron Geisler?

LOOK: Baron Geisler 'conquers demons' through art

READ: Baron Geisler and Mo Twister, involved in a heated social media exchange