
Sa post ng 'Tsuperhero' star sa Instagram kahapon, ipinaabot nito ang matindi niyang pagmamahal sa kanyang number one at worst critic. Sino kaya ito?
Bagamat busy sa kaniyang mga showbiz commitments, hindi nakalimutan ni Kapuso actress Bea Binene na batiin ang kaniyang pinakamamahal na ina na si Mommy Carina Binene sa kaarawan nito.
Sa post ng Tsuperhero star sa Instagram kahapon, ipinaabot nito ang matindi niyang pagmamahal kay Mommy Carina.
Saad ni Bea, “Happy birthday, Mama! Kahit minsan nag-aaway tayo, I still can't imagine my/our life without you. Sobrang swerte namin ni Benice kasi ikaw ang mama namin.
Pasaway man kami ni Benice minsan, at hindi ko man nasasabi sayo palagi, pero love na love na love na loooooove ka namin. Tulad ng picture na 'to, kahit ano mangyari, nakayakap at nakakapit padin kami ni Benice sayo forever (kahit minsan mukhang ayaw namin ).”
Dagdag pa niya, “Happy birthday to my number one fan, my worst critic, my guidance counselor, my teacher, and my/our one and only. Labyu Ma. Lablab. Mwamwa. ??????”
Umabot na sa mahigit sa 7,200 likes ang post na ito sa image-sharing platform.
Happy birthday and God bless, Mommy Carina!
More on TSUPERHERO:
'Barbie Forteza's heartfelt birthday greeting for 'Tsuperhero' star Bea Binene
EXCLUSIVE: Alma Moreno believes that Derrick Monasterio is more than just a pretty face
EXCLUSIVE: DerBea, sa sobrang close, memorize na nila ang isa't isa