What's on TV

READ: Bianca Umali reveals drastic change on Sahaya

By Nherz Almo
Published May 8, 2019 12:16 PM PHT
Updated May 8, 2019 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News



Wagi sa ratings ang episode kung saan ipinakita ang pagbabago ni Sahaya.

Bukod sa makeover, may isa pang malaking pagbabago sa buhay ni Sahaya.

Bianca Umali
Bianca Umali

Ito ang tila pahiwatig ni Bianca Umali sa panayam niya sa ilang entertainment reporters kamakailan.

Ayon sa lead star ng epic drama series, “Sana po abangan ng viewers kung paano magbabago si Sahaya. Kung gaano ka-drastic ang change na mangyayari sa kanya.

“Actually, this is my first show at character na may ganito kadaming layers.”

Dagdag pa ng aktres, patuloy na sinusubukan ni Direk Zig Dulay ang kakayahan niya bilang aktres sa pamamagitan ng Sahaya.

“Kami ni Direk Zig (Dulay), binabantayan namin ang lahat ng eksena kasi inaalagaan namin 'yung character ni Sahaya.

“Sabi po ni Direk, gusto niyang makita kung ano 'yung kayang gawin ni Bianca as Sahaya,” sabi ni Bianca.

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on

Noong nakaraang linggo, pinag-usapan ang makeover na ginawa ni Lindsay (Ashley Ortega) kay Sahaya.

Makeover ni Sahaya, trending sa YouTube!

Bukod sa pagiging trending nito sa YouTube, panalo rin sa NUTAM People Ratings ang naturang episode.

Patuloy na abangan ang kapana-panabik na mga eksena sa hit primetime series na Sahaya.

Matapos ang makeover na ginawa kay Sahaya, darating naman ang pinakahihintay niyang panahon na muling makapiling ang kaniyang 'nggo o inang si Manisan at malapit na kaibigang si Ahmad.

Magtatagpo na rin kaya ang dating magkasintahang sina Manisan at Harold?