
Kinakikiligan ngayon ng netizens ang sweetness nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa social media.
Kagabi, ipinost ni Bianca ang kanyang short message para sa kanyang love team. Ika niya, "U making me happy... again... always."
Ipinost naman ni Miguel sa kanyang Instagram Stories ang video kung saan hinalikan siya ni Bianca sa pisngi.