
Naglabas ng official statement ang Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) tungkol sa estado ni Samantha Lo ngayong Lunes, October 21.
Si Samantha ang pambato ng bansa sa Miss Grand International sa gaganaping beauty pageant sa Caracas, Venezuela sa Biyernes, October 25.
Base sa statement ng BPCI, na ipinost sa Facebook, na-detain si Samantha ng immigration officials sa Paris at pinabalik din ng bansa.
Napag-alam na "tampered with and altered" ang Philippine passport ni Samantha, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa isang meeting, inamin din ng mga magulang ng beauty queen na nagpagawa siya ng passport mula sa isang "fixer."
Nilinaw din ng BPCI na may hawak na US passport si Samantha kaya hindi niya kailangan ng transit visa, na ayon sa beauty queen ay hindi naasikaso ng maaga ng organisasyon.
Pinabulaanan naman ng BPCI na hindi nila tinulungan si Samantha sa pag-aayos ng gusot nito sa passport noong ito ay nasa Paris.
"Upon hearing of her situation in Paris, we immediately called upon DFA to assist her,” sabi ng BPCI.
Ayon pa sa statement, "We wanted to support Samantha and help her resolve this. However, in the last few days, we were no longer able to contact her and her family.”
Sa puntong ito, ipinaliwanag ng BPCI na napilitan silang maglabas ng statement dahil sa umano'y false claims ni Samantha na ipinost niya sa social media.
"We had chosen not to make any statements in deference to an ongoing investigation into the matter and to protect Samantha's privacy after revelations of a fake passport had put her in this situation.
“However, due to her social media post, BPCI is forced to make a statement to ensure that only facts are presented nothing else."
Basahin ang buong statement ng BPCI dito:
Base sa pinakabagong posts ni Samantha, nakarating na siya Caracas, Venezuela.
Samantha Lo makes it to Caracas for Miss Grand International pageant after passport mess