What's on TV

READ: 'Bubble Gang' pinaghahandaan na ang kanilang 2017 summer special

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2017 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang resort daw sa Pampanga gagawin ang summer special ng 'Bubble Gang.'

Inaantabayanan na mga Kababol ang summer special ng longest running gag show na Bubble Gang ngayong taon.

Kaya maraming mga Kapuso ang nagtatanong kung ano-ano ang pasabog na inihahanda ng flagship comedy program na ito ng GMA-7.

Nagbigay na ng ilang detalye ang Bubble Gang veteran na si Michael V ng makapanayam ito ni Kuya Lhar Santiago matapos ang contract signing niya kahapon, March 15.

Ayon kay Bitoy, “Mayrun-mayrun hintayin niyo sa Pampanga. Isang napakagandang resort at siyempre napakagandang tanawin. Hindi lang ‘yung background, kundi nasa foreground ang gagandang tanawin talaga.”

Exciting din ang sketches at gags na pinaplano ng buong creative team ng Bubble Gang, lalo na at marami silang materyal na puwedeng gamitin.

Paliwanag ng komedyante, “Siyempre nandidiyan ‘yung mga regular namin na portions na ginagawa sa Bubble. Kahit ‘yung mga gags at we’ll most probably nandiyan din ‘yung Hugot. Pero sa dami na puwede mong i-insert, dahil sa mga pangyayari ngayon, masyadong maraming materyal para i-ignore. Di ba kailangan gawan mo ng sketch, gawan mo ng kahit papaano something na may kinalaman sa show.”

Heto naman ang mga dapat abangan sa March 17 episode ng Bubble Gang:

More on Michael V:

16 things you didn't know about Michael V

The Ultimate Michael V Throwback

Snapshots of Michael V's parody songs