What's Hot

READ: Cacai Bautista, may paki-usap sa pagli-link sa kaniya sa Thai actor na si Mario Maurer

By Aedrianne Acar
Published September 25, 2018 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Cebu City logs 50 road accidents since start of 2026
PHIVOLCS: Minor strombolian activity on Day 100 of Mayon’s effusive eruption

Article Inside Page


Showbiz News



Cacai Bautista, sinabihan ang isang netizen na muling nagli-link sa kanya sa Thai actor na si Mario Maurer: “Move on ka na.”

Muling ipinamalas ng comedienne-singer na si Cacai Bautista ang husay niya sa pagkanta nang gumawa siya ng sarili niyang cover ng hit single ni Janine Teñoso na “Di Na Muli.”

WATCH: Official trailer ng 'Harry & Patty' starring Ahron Villena at Cacai Bautista

Ewan ko ba ano ang nakain ko nung araw na ito. Pusa-Pusaan.😻 Sabe ni besh nung narinig nya to: “PAANO?!” hahahaahah😂 Pero ang ganda naman talaga ng song na ito. Hay. Every minute counts! Kapag mahal mo ang isang tao, sabihin mo at iparamdam mo na agad. because you can never turn back time. Sabeeeeeeeeeh!!!!😂 #dentaldiva #confidenceispower #liveboldly #kakaicovers

A post shared by Catherine Bautista (@ilovekaye) on


In-upload ni Cacai ang kaniyang cover sa Instagram at may mahigit 33,000 views na ito.

Pero isang komento ng isang netizen ang nakatawag pansin kay Cacai at ito nang maungkat ang isyu na na-link siya sa Thai actor na si Mario Maurer.

Matatandaang naging close sina Cacai at Mario nang gumawa ang huli ng pelikula sa bansa noong 2012, kung saan naging leading lady niya si Erich Gonzales.

Narito ang maiksi ngunit importanteng pakiusap ng comedienne sa mga taong patuloy na nag-uugnay sa kanya at kay Mario Maurer.