
Dumagsa ang pagbati para sa pinakabagong Kapuso na si Jason Abalos matapos pumirma ang aktor ng kontrata sa talent management arm ng GMA-7 na Artist Center ngayong Martes, October 3, ng hapon.
READ: Jason Abalos, isa nang Kapuso!
Sa panayam sa kanya, sinabi nito na ready siya sa bago niyang journey bilang certified Kapuso.
"Siyempre excited. Panibagong journey sa pagiging artista. Masaya lang."
Masaya naman ang celebrity friends ni Jason Abalos, pati na rin ang netizens sa milestone na ito sa career ng magaling na aktor.