
Magiging mommy na ang aktres na si Kaye Abad matapos magpakasal sa former reality TV contestant na si Paul Jake Castillo noong Disyembre 2016.
Matatandaan na naganap ang dream wedding nina Kaye at Paul Jake sa San Pedro Calungsod Chapel sa Cebu.
Kahapon, July 14 pormal na kinumpirma ni Kaye Abad ang kaniyang pagbubuntis.
Isa naman sa sobrang natuwa sa balitang ito ay ang Eat Bulaga star at first-time mom din na si Pauleen Luna.
Nagpaabot din ng pagbati ang asawa ni Patrick Garcia na si Nikka na ipinagbubuntis naman ang ikatlong baby nila ng kaniyang mister matapos magka-miscarriage.
LOOK: Celebrities who have lost their little angels