
Bumuhos ang papuri ng mga viewers at netizens sa mahusay na pagganap ng mga aktor sa katatapos lamang na Kapuso docu-drama na Alaala.
LOOK: Alden Richards, Rocco Nacino, and Bianca Umali, umani ng papuri para sa docu-drama na 'Alaala'
Kahit ang ama ni Alden na si Mr. Richard Faulkerson Sr. o kilala sa tawag na Daddy Bae tumutok sa Martial Law special nang Kapuso channel na ipinalabas sa SNBO nitong September 17.
Heto ang ilan sa kaniyang mga tweets.
Ayoko niyang tingting ????
— Richard Faulkerson© (@R_FAULKERSoN) September 17, 2017
Ayoko na ng walis ting ting...push brush na lang ako umpisa bukas! ????
— Richard Faulkerson© (@R_FAULKERSoN) September 17, 2017
@nacinorocco galing! ????????
— Richard Faulkerson© (@R_FAULKERSoN) September 17, 2017
Ngunit isang basher na may profile name na @ann_veniegas ang ‘tila hindi nagustuhan ang performance ng Pambansang Bae.
Agad na sumagot si Mr. Faulkerson Sr. at ipinaala sa netizen na ginagawa lamang ni Alden ang kaniyang trabaho na gampanan ang karakter ni Boni Ilagan.
Sunod-sunod naman ang Tweet ng mga fans at nakapanood ng docu-drama at ipinagtanggol ang AlDub actor mula sa mapanirang tweet ng basher.