GMA Logo
What's on TV

READ: 'Daddy's Gurl' biktima ng fake news

By Aedrianne Acar
Published February 10, 2020 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Arra San Agustin, naniniwala na ‘insecure’ ang mga nagtataksil sa relasyon
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi papaawat ang 'Daddy's Gurl' sa Saturday primetime sa kabila ng fake news na kumakalat tungkol dito.

Walang makakapigil sa pag-arangkada ng paboritong sitcom ng bayan na Daddy's Gurl, kahit may nagpapakalat ng fake news dito.

WATCH: Ruru Madrid, masayang makasama sa first #MPK ni Maine Mendoza

Pinuna ng award-winning direktor na si Chris Martinez ang isang Facebook page na nagkakalat ng maling impormasyon sa sitcom nila Bossing Vic Sotto at Phenomenal star Maine Mendoza.

Sa admin ng FB page na ito - na report na namin kayo sa @gmanetwork to take you down sa pagpapakalat n'yo ng fake news. EEEEWWW. #DaddysGurl is STRONGER THAN EVER! 7:30pm tonight on GMA! (8pm starting next week!)

Isang post na ibinahagi ni ᑕᕼᖇIᔕ ᗪ. ᗰᗩᖇTIᑎEᘔ (@direk_chris_martinez) noong

Pero 'tila walang naging epekto ang mga negative post na ito sa Daddy's Gurl, dahil maraming tumutok na Kapuso at dabarkads sa episode nito last February 8.

Trending din ang Kapuso sitcom sa Twitter pati na din ang first ever guesting ni Maine Mendoza sa number one weekly-drama anthology na #MPK.

Nag-tweet naman si Maine ng kanyang pasasalamat sa lahat nang mga tao na nanood nitong Sabado ng gabi.

“Salamat sa mga nanood ng Daddy's Gurl at @magpakailanman7 .Thanks for spending your Saturday night with us! Sana nagustuhan niyo! ♥️ #MaineRuruOnMPK #DADDYSGURLParaSaTaal”